Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bishop, Meralco kinuryente TNT

0 163

Tinuhog ni Tony Bishop ang 10 sa kanyang game-high 36 points sa fourth quarter at naligtasan ng Meralco ang TNT 83-80 sa second game sa Smart Araneta Coliseum Miyerkoles ng gabi.

Tumapos pa si Bishop ng 13 rebounds para rumolyo ang Bolts ng 2-0, tinablahan sa pangatlong puwesto ang Magnolia.

Umayuda ng 15 points si Chris Newsome, may 10 points off the bench si Allein Maliksi sa Meralco.

Namusyaw ang 25 points,12 rebounds ni RR Pogoy sa Tropang Giga na napigil sa 1-2 at malaglag sa ninth spot.

Nakakadismayang 4 points lang si McKenzie Moore mula sa 2 of 9 shooting, may 7 rebounds sa loob ng 17 1/2 minutes sa Tropang Giga.

Sa first game, madaling nakumpleto ng Alaska (3-2) ang 98-75 win laban sa Blackwater (0-5).

Humaba na sa league-record 24 straight losses ng Bossing, na papalitan na si import Jaylen Bond sa katauhan ni Shawn Glover na kakakapanya lang sa Iceland.

SM food to go Banner Ad

Ang mga iskor:

Unang laro

Alaska (98) – Ahanmisi 17, Teng 14, Herndon 12, Tolomia 12, Ashaolu 10, DiGregorio 8, Tratter 7, Taha 6, Brondial 6, Publico 4, Stockton 2, Adamos 0, Racal 0, Ilagan 0, Marcelino 0.

Blackwater (75) – McCarthy 16, Daquioag 12, Baloria 9, Desiderio 8, Amer 7, Ebona 6, McAloney 6, Chauca 3, ond 2, Washington 0, Gabriel 0, Paras 0.

Pangalawang laro

Meralco (83) – Bishop 36, Newsome 15, Maliksi 10, Caram 7, Hodge 6, Almazan 5, Quinto 3, Black 1, Pinto 0, Belo 0.

TNT (80) – Pogoy 25, M.Williams 24, Castro 16, Moore 4, Erram 4, K. Williams 3, Marcelo 2, Banal 2, Heruela 0, Reyes 0, Khobuntin 0. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.