Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bishop Pabillo: Unahin pandemya kesa Manila Bay dolomite

0 447

Umapela ang isang opisyal ng Simbahang Katolika na unahin ng gobyerno na tugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan ngayong pandemya kaysa sa ginagawa nitong panibagong pagbuhos ng dolomite sa Manila Bay.

Sa isang pahayag, sinabi ni Achdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na mahalagang bigyang prayoridad ang kasalukuyang suliranin sa kalusugan ng mga tao at ekonomiya.

“Kung talagang ang problema ngayon ay COVID-19 ay talagang dapat ang atensyon natin at ang ating mga finances ay nakalagay diyan; tugunan muna natin ang pangangailangang pangkalusugan at ekonomiya ng mga tao,” ayon pa kay Pabillo.

Samantala, nababahala naman ang grupong Oceana dahil reclamation na umano ang ginagawang pagbuhos ng dolomite sa Manila Bay.

“What the project contractors are doing is reclaiming parts of Manila Bay. Any kind of land reclamation would result in the large displacement of marine sediments and the development of mud-waves beneath the reclamation fill,” sabi ni Oceana vice president Gloria Estenzo-Ramos. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.