Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bishop sa Iligan nagka-virus

0 83

Nagpositibo sa COVID-19 ang isa pang Katolikong Bishop sa Iligan matapos ang isinagawang swab test.

Nabatid sa Facebook post ng Diocesan Youth Apostolate – Diocese ng Ilagan, nakilala ang na-virus na si Bishop William Antonio.

SM food to go Banner Ad

“The swab test and laboratory exam of the Most. Rev. William Antonio, D.D., Bishop of Ilagan, taken last Monday, November 9, 2020 as a requirement for travel permit resulted in Covid-19 positive,” ayon sa advisory nilagdaan ni Chancellor Ric Zeus Angibang.

Nalaman na asymptomatic naman si Antonio at sumasailalim na sa quarantine.

Isinara rin muna ang St. Michael Cathedral, na tinutuluyan ni Antonio.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.