Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bishop tinamaan ng COVID

0 229

Nagpositibo sa coronavirus disease ang apostolic administrator at auxiliary bishop ng Archdiocese of Manila na si Bishop Broderick Pabillo.

Sa isag pahayag sinabi ng obispo na wala siyang nararamdamang sintomas, gayunman sinusunod naman umano nito ang mga tinakdang protocol. Aniya, “My condition is being monitored and I take healthy food and vitamins, and do physical exercise.”

Nagnegatibo naman sa virus ang kanyang tauhan at nasabihan na ang mga taong nakasalmuhua nito sa nagdaang linggo. Dagdag ni Pabillo, magpapatuloy pa rin siya sa kanyang mga tungkulin gamit ang online kahit pa nasa quarantine ito. Ang obispo ang humalili kay Cardinal Luis Antonio Cardinal Tagle na napili naman bilang new prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples.

Leave A Reply

Your email address will not be published.