Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Bising’ bumagal, ulan tuloy sa pagbuhos – PAGASA

0 224

Bahagyang bumagal at humina ang Bagyong Bising subalit inaasahan pa rin ang dala nitong malalakas na pag-uulan sa Bicol Region.

Sa pinakahuling weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), sinabi nito na mula 215kph na lakas ng hangin ay naging 205kph habang ang bugso ng Bagyong Bising ay naging 250kph mula sa dating 26kph, bumagal din ito sa kilos na 15kph mula 20kph.

“Bagama’t bahagyang humina ay nananatili pa rin po itong typhoon category at nananatili pa ring banta sa kaligtasan ng mga kababayan natin,” paliwanag ni PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez.

Ang mata ng bagyo ay huling namataan sa Virac, Catanduanes.

SM food to go Banner Ad

Nakataas pa rin ang Signal No 2 sa Catanduanes, Northern Samar, Eastern Samar at Samar habang Signal No.1 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, Biliran, Leyte, Dinagat Islands

Siargao at Bucas Grande Islands.

Ipinagbabawal ang paglalayag ng anumang klase ng sasakyang pandagat dahil sa inaasahang taas ng alon mula 4 meters hanggang 12 meters. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.