Abante Tonite Interactive

Bisita ni Bong kinakapkapan

By
3,418

Ipinagtanggol ng vete­ran columnist/talent manager na si Lolit Solis si former Sen. Bong Revilla sa ‘jail selfie’ issue na kinakaharap nito ngayon.

Ayon sa mga report na naglabasan, nakum­piska raw ang cellphone ni Sen. Bong nang magsagawa ng inspection sa kanyang detention room sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Ito ay matapos lumabas ang Facebook post ng dating senador last June 20 na larawan niya na hinihinalang kuha sa loob ng kayang kuwarto at may mahabang caption kung saan ay ipina­pahayag niya na 4 years na siyang nakakulong at pagod na pagod na. Deleted na ngayon ang nasabing post.

Sa Instagram post ni Nay Lolit kahapon, aniya, talaga raw napakahigpit sa Crame sa tuwing dinadalaw niya si Bong at bawal talaga ang cellphone.

“So Sad Salve, very sad. Alam ko na hindi dapat at bawal ang anuman gadget sa loob ng Crame, kaya bawal ang cp. Grabe ang higpit ng mga bantay na pulis, pero isang bagay na masasabi ko marespeto sila sa mga dalaw dun.

“Kinakapkapan bawat dalaw, bata man o matanda, hinahalungkat ang mga dala, pagkain o bag, ordinaryo, artista o politiko na dumadalaw, dapat may ID dapat kapkapan, pero sabi ko nga kahit mahigpit, marespeto nila ginagawa at nakikiusap. For four years na dumadalaw ako sa Crame, nung dalawa pa silang senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla, hangga ngayon, never ako nagdala ng cellphone sa loob.

“Ang dami sana memorable photos na naipon at nagamit ng mga kaibigang press kung sakali, like nang dumalaw si Gretchen Barretto, una namin pagkikita nang matagal tagal ni Gabby Concepcion, nang du­malaw sina Andrea Torres at Kim Domingo, iyon ilang beses pagdalaw nina Rhian Ramos, Jennylyn Mercado at Katrina Halili.

“Ngayon nga hindi ko na hihilingin dalawin ng mga alaga ni Jonas na Bb. Pilipinas candidates si Bong dahil sa higpit, ayoko naman kinakapkapan sila ng mga policewomen,” bahagi ng post ni Nay Lolit.

Ipinagtataka rin ng ta­lent manager kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nakakalabas si Bong sa kulungan.

“Four years na, ayoko na tanungin ang legal strategy ng mga abogado ni Bong mula kay Bodegon hanggang ngayon kay Estelito Mendoza dahil bakit nakalabas sina Enrile at Jinggoy pero andun pa rin si Bong.

“Pasalamat na lang kay God dahil nanggaling silang pamilya sa Holy Land bago siya nakulong kaya very strong ang kanilang spiritual at emotional components. Dasal na lang ang tanging hinahawakan ni Bong.”

Tungkol sa larawan ni Bong na lumabas sa FB, depensay ni Nay Lolit, hindi bago ‘yun.

“Issue iyon lumabas na photo? Kuha ito nung Christmas forlough ni Bong ng lumabas siya Dec 24 last year,” paha­yag ni Nay Lolit.

Sa huli ay nakiusap ang veteran columnist/talent manager na huwag na raw gawan pa ng issue si Bong at sana’y tapusin na lang ang kaso.

“Please, huwag na natin lagyan ng asin ang sugat, apat na taon, hanggang kailan pa magtitiis si Bong?

“Hanggang kailan n’yo pa ita-try to break his spirit, his capacity to endure? Please I pray, we pray, tapusin na ito, hindi na maibabalik ang apat na taon pero bigyan na natin ng ending. Guilty or not guilty, please decide, please,” pagtatapos ng post ni Nay Lolit.

***

Nagbigay din ng pahayag si Bacoor Mayor Lani Mercado na wala raw cellphone ang kanyang asawa sa detention room nito.

“I don’t think he has a cellphone, why? Kasi bawal po doon,” pahayag ni Mayor Lani sa panayam sa ABS-CBN news.

Ayon pa kay Mayora, may administrator daw si Bong ng FB account nito at ‘yung picture na lumabas ay luma na.

“Ang alam ko po doon, may admin po siya ng Facebook account. ‘Yon po ang alam ko, somebody takes care of his Facebook account,” she said.

“I think the picture is an old picture,” saad pa ni Lani.