Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bisita sa kasalan tinigok

0 292

Patay ang 40-anyos na empleyado ng munisipyo matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin habang nasa kasarapan ng kasiyahan ng isang kasalan sa Esperanza, Masbate, Linggo ng madaling-araw.

Namatay noon din dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktima na nakilalang si Carlos Comedia Jr., empleyado ng Esperanza local government unit at residente ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Sa ulat na ipinadala ni Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol Provincial Police Office, naganap ang krimen dakong alas-2:00 ng madaling-araw habang nasa kasarapan ang kasiyahan sa isang kasalan sa Barangay Masbaranon sa bayan din ng Esperanza kung saan dumalo ang biktima.

Nabatid na isang hindi pa kilalang lalaki na armado ng maikling kalibre ng baril ang lumapit sa biktima at agad itong pinagbabaril.

Matapos na masigurong wala nang buhay ang target ay agad na tumakas ang suspek na mabilis nawala sa kadiliman ng lugar.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa krimen subalit blangko pa ang mga awtoridad kung ano ang motibo ng pamamaslang sa biktima. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.