Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bisita sa puntod

0 225

Nakaugalian na nating mga Pilipino ang sama-sama at sabay-sabay na bumisita sa puntod ng mga namayapang mahal sa buhay tuwing Undas.

Para sa marami, ‘family reunion’ ito kung ituring kung kailan umuuwi pa ang ilang kaanak mula sa ibang probinsiya o maging sa ibang bansa para lang maka-join sa annual tradition.

Pero ang nakasanayang ito, maiiba ngayong taon. Sarado kasi ang maraming sementeryo sa Undas. Nag-abiso na kaugnay nito ang Metro Manila Council na sinundan din ng iba pang kalapit-probinsya.

Dito sa amin sa Tanza, Cavite, pansamantalang isasara ang mga sementeryo, private man o public mula October 29 hanggang November 4. Ibig sabihin, ngayon pa lang puwede nang bumisita sa puntod ng mga yumaong kaanak.

Hakbang ito ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Yuri A. Pacumio para hindi magsiksikan ang mga tao at maiwasan ang COVID-19 transmission. Sa ilalim ng MGCQ, bawal pa rin ang mass gatherings. Sa Executive Order na inisyu ng Tanza LGU, 30% lang ng kabuuang venue capacity ang pahihintulutang makapasok sa loob ng sementeryo.

SM food to go Banner Ad

Sa utos naman ni Cavite Governor Jonvic Remulla, mahigpit ding ipinagbabawal ang pagkain, pag-inom ng alak at pagvi-videoke sa loob ng mga sementeryo. Kahit mga private cemetery, memorial parks at columbariums, hindi rin ligtas sa direktiba. Bawal din ang mga below 18 years old.

Mahigpit daw na imomonitor ng mga kagawad ng PNP ang mga sementeryo para matiyak na nasusunod ang mga umiiral na health protocol. Kabilang dito ang pagsusuot ng face mask at face shield at pagtalima sa social distancing.

Ang sa akin lang, huwag nang magpasaway. Sundin na lang ang utos mula sa mga awtoridad para hindi na maaberya at maiwasan din ang pagkalat pa ng coronavirus disease. Tandaan, hindi pa tapos ang laban sa COVID-19.

Puwede naman tayong bumisita sa puntod ng mga namaalam nating kaanak nang hindi sumasabay sa dagsa ng mga tao. Kung takot na mahawa ng virus, puwede rin namang ipagdasal na lang natin sa bahay ang mga kaluluwa nila. Alam kong nauunawaan na nila ‘yon.

Sa lalawigan ng Cavite, mahigit 10,000 na ang confirmed COVID-19 cases. Pangamba ng pamahalaang panlalawigan, baka lumobo pa ang bilang na ito kung hindi susunod sa minimum public health standards ang mga tao.

Leave A Reply

Your email address will not be published.