Abante Tonite Interactive

Bisitahin ang Pinoy Liga

By
266

Magandang balita sa mga sumusubaybay sa mga liga ng basketball dito sa ating bansa. Lagi tayo naghahanap ng mga liga na sasalihan.

Gusto rin natin ma­laman ang mga standing ng iba-ibang koponan, mga score at statistics ng mga manlalaro, schedules at kung ano-ano pang nagaganap at nangyayari sa mga iba-ibang liga. Pag-click ninyo sa www.pinoyliga.com, lahat ng impormasyon tungkol sa mga liga ay lalabas na.

Ito ay tunay na naiiba sa mga nakasana­yan nating presentas­yon ng kuwento ng mga laro ng bawat liga. Ayon kay ginoong Benny Benitez, presidente ng Digiweave, “ito ang pinakauna at malamang natatanging website sa Pilipinas na kung saan ang mga game video, litrato at mga statistics ay gumamit ng world class na digital format, hindi po kami sumunod sa tradis­yonal na pro­sesong html at cut and paste.”
Ayon pa kay Benitez, “nasa panahon na po tayo ng mataas na teknolohiya at ang paniniwala namin ay dapat mabigyan natin ang mga liga at manla­laro ng karapat-dapat na presentasyon.”

Natanong natin si Ginoong Lee Soriano, ang pangulo ng MadMan Events Management na isa sa mga sumusuporta sa Pinoy Liga. Ang sabi niya ay napakagandang pagkakataon ito para sa mga liga at manlalaro na makilala sa komunidad ng basketbol.

Sabi nga niya, maaari na sa paraan ng pagsali sa Pinoy Liga ay madiskubre para makapaglaro sa mga ligang pangkolehiyo o sa propesyonal. Walang imposible.

At sa kasalukuyan, ang balita sa amin ay meron ng mga ligang nagpapalista na mailagay sa hanay ng Pinoy Liga.

Ang aking panayam naman tungkol dito, lalo na ako’y sumusu­baybay ng basketball dito sa ating bansa, maganda ito para sa kabataan na nais ma­ging isang manlalaro ng basketball.

Dahil ako’y nagtuturo ng basketball sa mga bata, mula 5 taon hanggang 18 taon, marami nagtatanong sa akin kung papano makasali sa mga liga.

Sana, ang mga torneo or liga ng basketball, na gagamit nitong portal na ito, sana maglagay din sila ng paraan kung paano makasali ang kabataan sa mga liga, ano kailangan gawin, at kung ano-ano pa. Maganda ito para sa Pinoy basketball.