Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bisitang dalaga niluray

0 669

Dinakip ng pulisya ang isang 42-anyos na lalaki makaraang anyayahan nito sa kanyang bahay ang isang 19-anyos na dalaga na kanya ring ginahasa sa Barangay Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan, Biyernes ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, ang naarestong si Nerio Baltazar y Mirasol alias Nerio, 42, laking Tondo, Manila at taga-Pandi Residence 1, Barangay Mapulang Lupa, Pandi na nakakulong ngayon matapos reypin ang biktimang itinago sa pangalang Lorna.

Alas-9:00 ng gabi noong Biyernes nang maganap ang panggagahasa ng suspek matapos nitong imbitahan sa kanyang tinitirhan sa Baranga Mapulang Lupa, Pandi si Lorna na pinaunlakan naman ng dalaga bagamat nararamdaman nitong tila nagpaparamdam ang suspek na may gusto sa kanya.

Pagdating sa bahay, puwersahang ipinasok ng suspek ang dalaga bago niya ito hinubaran at ginahasa na walang nagawa dahil nanaig ang lakas ng suspek.

Nang makaraos ay pinayagan na nitong makauwi ang biktima na agad namang humingi ng tulong sa pulisya kaya naaresto ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong rape. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.