Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bisor na tirador ng longganisa buking

0 207

Arestado ang supervisor ng pinagtatrabahuhang meat shop matapos mabuking sa pagnanakaw ng panindang longganisa kahapon ng umaga sa Marikina City.

Nahaharap sa kasong qualified theft si Rolando Borlagdatan y Torre, 37-anyos, supervisor ng Lorrig’s Meat Products sa Pilinut St., East Subdivision, Barangay San Roque, Marikina City.

Inaresto si Borlagdatan matapos magsampa ng reklamo ang amo nitong si Anna Loraine Dizon y Siena, 29, sa Marikina Police makaraang makita niya sa CCTV footage na kumuha ang suspek ng isang plastic ng skinless longganisa mula sa freezer at mabilis na inilagay sa compartment ng kanyang motorsiklo.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.