Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bisor natagpuang patay sa hotel

0 387

Isang sales supervisor ang natagpuang patay sa loob ng kwarto ng tinutuluyan nitong hotel sa Lucena City noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang namatay na si Perlin De Ocampo, 43, tubong Iloilo City at national sales supervisor ng Philippine Foremost Milling Corporation (PMFC).

Sa report ng Lucena City police, nadiskubre itong wala ng buhay sa kanyang kuwarto sa Quezon Premier Hotel sa Barangay Domoit.

Hindi umano ito sumasagot sa tawag ng mga kasamang sales rep kaya pinabuksan na sa staff ng hotel ang kuwarto ng bisor.

Ayon kay Malcom Carlota, isa sa mga sales rep na kasama ng nasawi sa area, kasabay pa nilang nag-almusal ang biktima subalit kaaagad din itong bumalik sa room dahil sa masamang pakiramdam at panghihina.

Pansamantalang tumutuloy ang grupo sa nasabing hotel para sa marketing ng produkto nilang harina na gawa ng PFMC.

Isinailalim na sa autopsy ang labi para alamin kung ano ang ikinasawi nito. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.