Abante Tonite Interactive

Bisor ng nakaposas na Chinese tugisin

350

Pinapa-hunting ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang supervisor ng Chinese national na nahulog habang nakaposas sa isang mall sa Pamplona Dos, Las Pinas City noong Biyernes .

Naalarma si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglobo ng bilang ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga Chinese na kagagawan din sarili nilang kababa- yan na nagtatrabaho sa Pilipinas.

“We express alarm on the death of a handcuffed Chinese natio-nal who reportedly died after escaping from a sixth-floor window and falling from the buil-ding,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Base sa mga report na tinangka umano ng biktimang tumakas matapos na ikulong umano ng employer.

Agad na inatasan ni Pangulong Duterte ang pulisya na imbestigahan ang naturang insidente at tugisin ang supervisor ng biktima na kinilalang si Yang Kang, 27-anyos.

Aniya nakaaalarma na dumadami ang kaso ng foreign workers na nakararanas ng pang-aabuso at illegal detention.

“We need to put a stop to these illegal acts. We will not allow nor tolerate any kind of abuse inflicted on any foreigner whether sojourning or working in this country, w­hether done by their fellow nationals or by our own citizens,” dagdag pa ni Panelo.

Binigyang diin ni Sec. Panelo na hindi hahayaan ng gobyerno ang naturang kalakaran sa kahit na sinumang dayuhan na nagtatrabaho sa bansa.

Sa panig naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Police Major Guillermo Eleazar,nakilala na nila ang umanoy supervisor ng biktima na nagngangalang Shiba.

Pagkakautang umano ang dahilan kung bakit pinosasan ng suspek ang biktima dahil sa wala itong maipambayad ayon pa kay Eleazar.

Inihahanda na ng pulisya ang kaso laban kay Shiba at nakatadang isampa ito sa korte sa Martes habang patuloy ang manhunt operation ng pulisya. (E­dwin Balasa/Vicky A­quino)