Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bisor ng traffic enforcer patraydor na binoga

0 60

Patraydor na binaril ng nag-iisang salarin ang supervisor ng Muntinlupa Traffic Management Bureau halos 2-oras makaraang magsagawa ng clearing operation kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Nasawi noon din si Danilo Manalo, 36, traffic enforcer supervisor, ng Brgy. Poblacion sanhi ng tama ng bala sa ulo. Mabilis namang tumakas ang suspek

Naganap ang pamamaslang alas-7:30 ng gabi sa tapat ng isang mall sa National Road na nasaksihan pa ni Simon Pagulayan, 29, isa sa tauhan ng biktima.

Ayon kay Pagulayan, nagsagawa sila ng tricycle clearing operation sa lugar alas-5:30 ng hapon at nagtungo sa isang kalapit na tindahan upang magpahinga.

SM food to go Banner Ad

Lumabas sandali ng tindahan si Manalo nang mag-ring ang kanyang cellphone. Habang may kausap, biglang sumulpot sa likuran ang armadong suspek at binarily nang malapitan sa ulo ang biktima.

Mariin naman kinondena nina Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi at Cong. Ruffy Biazon ang pamamaslang kasabay ng pag-aalok ng tig P100,000.00 pabuya o kabuuang P200,000.00 sa sinumang makapagtuturo sa salarin. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.