Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bistek binash, nagka-virus tinawag na walang common sense

0 995

Marami ang nagalit kay dating Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista nang sabihin na kawalan ng common sense ang rason kung bakit ang iba ay nadadapuan ng COVID-19.

“THIS IS A PUBLIC SERVICE MESSAGE. If you have loss of sense of smell, or loss of sense of taste, these are the symptoms of COVID-19. Loss of common sense is not a symptom of COVID-19, it is the reason you got the disease,” mababasa sa Facebook page ng dating alkalde noong July 13.

Ito’y wala pang isang linggo matapos ianunsyo ni QC Mayor Joy Belmonte na nagpositibo ito sa virus.

Binatikos si Bautista ng ilang netizen habang ang iba ay nakisimpatiya sa mga frontliner na sinasangkalan ang buhay at kanilang pamilya para sa public service.

“FYI: Former Yorme Herbert, Many of our Frontliners have to work longer and exposed themselves in a situation wherein you, yourself don’t want to. Everyday for them is a battle to face psychosocial hazards, which are exacerbated during emergencies where demands increase and they have to experience risk of infection. And yet you have the guts to tell to the world what is common sense is all about? Well, for me you doesn’t make sense at all! Shame on you!” sabi ng isang netizen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.