Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bistek binash ng mga netizen

0 423

Marami ang nagalit kay dating Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Baustista nang sabihin na kawalan ng common sense ang rason kung bakit ang iba ay nadadapuan ng COVID-19.

“THIS IS A PUBLIC SERVICE MESSAGE. If you have loss of sense of smell, or loss of sense of taste, these are the symptoms of COVID-19. Loss of common sense is not a symptom of COVID-19, it is the reason you got the disease,” mababasa sa Facebook page ni Baustista.

Ito’y wala pang isang linggo matapos ianunsyo ni QC Mayor Joy Belmonte na na-test siyang positibo sa virus.

Binatikos si Bautista ng ilang netizen habang ang iba ay nakisimpatiya sa mga frontliner na sinasangkalan ang buhay at kanilang pamilya para sa public service.

“FYI: Former Yorme Herbert, Many of our Frontliners have to work longer and exposed themselves in a situation wherein you, yourself don’t want to. Everyday for them is a battle to face psychosocial hazards, which are exacerbated during emergencies where demands increase and they have to experience risk of infection. And yet you have the guts to tell to the world what is common sense is all about? Well, for me you doesn’t make sense at all! Shame on you!” sabi ng isang netizen.

Batay sa datos na naka-post sa https://covid19stats.ph, nakapagtala ang QC ng highest decrease rate kaya hindi na kasama sa Top 10 cities pagdating sa may pinakamaraming COVID cases versus population.

Ayon naman kay Atty. Orlando Casimiro, City Attorney, ang madalas pag-iinspeksyon sa mga health facility ang maaaring dahilan kaya nagpositibo si Belmonte sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.