Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bistek nahawa kay Gardo

0 293

NI: VINIA VIVAR

May bago na namang na-recruit si Gardo Versoza para makasama niya sa pagsasayaw for TikTok. Walang iba kungdi si former Quezon City Mayor Herbert Bautista lang naman. Nahawa na siya sa hilig ng aktor.

In-upload ni Gardo sa Instagram ang video ng pagsasayaw nila ni Bistek kasama si Dennis Padilla na nauna na niya ring na-recruit. Ang daming naaliw sa vid dahil sobrang cute naman talaga nilang tatlo.

Nakakatuwa rin ang mga comment ng netizens. Nagulat at natuwa sila na pati si Bistek ay nakumbinsi ni Gardo na magsayaw. May komento ngang good influence raw ang aktor sa mga kaibigan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Narito ang ilang sa mga comments: “C mayor tumitiktok n rin hehehe,” “Level up ang na recruit, lol, Mayor namin yan ah,” “Wow! Astig naman po ng bagong kasama sa pagsayaw,” “Nice to see our former Mayor Bistek joining you. Good influence Cupcake.”

Isa si Gardo sa mga sikat na Tiktokers at ang bansag na nga ngayon sa kanya ay Tiktok Master dahil sa rami ng kanyang video sa nasabing app na mostly ay puro pagsasayaw niya.

Dito nga nalaman ng lahat na sobrang husay ng aktor magsayaw at napakarami niyang napapasaya sa kanyang mga videos. Kinakarir niya rin talaga ang pagti-TikTok dahil minsan ay naka-costume pa siya habang nagsasayaw at minsan naman ay naka-heels.

Noong una ay sila lang dalawa ng wife niya ang nagsasayaw hanggang later ay nagre-recruit na siya ng mga kaibigan .Sama-sama talaga silang nagsasayaw na talaga namang nakakaaliw panoorin. Prior to Bistek ay na-recruit na nga niya si Dennis P. at kaibigang si Arlene Muhlach.

Leave A Reply

Your email address will not be published.