Abante Tonite Interactive

Bistek rumesbak kay Kris

By
3,476

“Dabarkads kami nu’n,” ang sagot ni Quezon City Mayor Herbert Bautista nang matanong siya kahapon kung ano ba talaga ang status ng relationship nila ngayon ni Kris Aquino.

Nakausap namin si Mayor HB sa birthday treat niya sa entertainment press na nagdiriwang ng kaarawan from January to June na regular na niyang ginagawa taon-taon at isa talaga sa hinahangaan ng press sa kanya.

Naging bukas si Bistek sa mga katanungan kay Kris na bihirang mangyari pero siyempre, bilang lalaki ay may limitasyon pa rin naman at kapag medyo personal na ay idinadaan na lang niya sa biro.

When asked kung ano ba talaga ang naging relasyon nila ni Kris at kung ano ba talaga ang exact description niya ng relationship nila, ani Mayor, “It’s a special bond, eh. Walang. . .hindi kayo mag-boyfriend-girlfriend, hindi rin kayo barkada lang, special, eh.”

Dagdag pa ni Mayor, may mutual respect sila sa isa’t isa ni Kris na aniya ay medyo mataas na uri ng pagkakaibigan.

Tinanong din siya tungkol sa reaksyon niya sa lahat ng mga sinabi Kris lately, tulad ng rebelasyon nito sa radio program ni Cristy Fermin sa Radyo Singko tungkol sa pagkaka-decline ng credit card niya nang bilhan niya ng singsing ang Queen of All Media sa Italy at inamin naman ito ni Mayor.

“Well, ‘yung credit card, totoo ‘yun. Na-decline ‘yung credit card ko dahil walang laman ‘yun, eh. Kaya siya nagbayad,” natatawa pero halatang parang nahihiyang pag-amin ni Bistek.

Basta aniya, kung ano raw ang mga sinabi ni Kris, ‘yun na ‘yun at ayaw na niyang isa-isahing sagutin pa. Basta ang masasabi lang niya, nagpapasalamat siya sa aktres dahil sa loob ng maikling panahong pinagsamahan nila ay marami silang natutunan sa isa’t isa.