Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bistek tinanggi ang ‘dyowang’ beauty queen

0 135

Hindi nakaligtas si former Quezon City Mayor and Senatoriable Herbert “Bistek” Bautista sa tanong tungkol kay Kris Aquino. Naganap ito sa lunch tsikahan with the entertainment press kahapon.

Of course, inurirat siya kung ano ang reaction niya na engaged na ngayon si Kris na as we all know ay ex-girlfriend niya. Na sinundan agad ng tanong kung napaghandaan niya ba ‘yun.

“’Yung sagot diyan ang hindi ko napaghandaan,” natatawa niyang sagot.

Nagbiro din siyang mahina raw ang kanyang signal at choppy siya para makaiwas sa tanong.

Nevertheless ay nagbigay rin naman siya ng short statement.

“Hindi ba sinabi ko naman masaya ako dahil if you read her post, ‘yung peace and quiet, ‘yun ang hinahanap niya, eh. So, okay naman. I think, she’s happy,” sey ng Senatorial candidate for 2022 elections.

Na-shock ba siya na ikakasal na si Kris?

“Hindi ko alam na ikakasal siya. Hindi kasi ako nagmo-monitor ng ano niya,” natatawang sambit ng Senatoriable.

Pero inulit naman niyang happy raw siya for Kris.

When asked kung happy naman siya, “oo naman, happy naman ako.”

Sino ang nagpapa-happy sa kanya? Beauty queen ba?

“Wala, wala,” sabay-tawa.

As we all know ay nali-link si Bistek ngayon kay Ruffa Gutierrez simula nang magkasama sila sa seryeng The House Arrest of Us sa ABS-CBN.

Although nilinaw na rin ni Ruffa in her past interviews na family friend nila si Bistek, hindi pa rin mamatay-matay ang tsismis tungkol sa kanila.

Well, sa ngayon ay tiyak na magiging abala si Bistek sa kampanya for May 2022 elections kaya we doubt kung may time siya sa pag-ibig.

Natanong nga kung may plano pa siyang bumalik sa showbiz kahit manalo siyang Senador. Aniya ay pwede naman once in a while tulad din ng ginagawa nina Sen. Bong Revilla and Lipa City Representative Vilma Santos na nakakagawa pa rin ng projects paminsan-minsan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dennis todo silbi kay Jennylyn

Dahil nga medyo maselan ang pagbubuntis ni Jennylyn Mercado sa panganay nila ni Dennis Trillo, sobra ang pag-aalaga sa kanya ng aktor. Talagang he makes it a point na okay ang kanyang mag-ina.

Ayon kay Dennis sa live online interview with Kapuso Artistambayan kahapon, siya talaga ang naghahanda at nagdadala ng pagkain ni Jen. Madalas din daw ang kanilang check-up to make sure that everything’s okay.

“Okay naman kami, madalas ‘yung check-ups namin at okay naman lahat. Good news naman, healthy naman. Healthy siya palagi at pinapanatili ko siyang healthy palagi.

“Ako ‘yung nagbabantay sa kanya, ako ‘yung nagpe-prepare ng food dahil hindi siya pwedeng magkikilos masyado, so ako ‘yung tagadala ng pagkain, taga-check kung okay ba lahat,” sey ni Dennis.

Natatawa rin ang aktor sa mga lumalabas na memes sa serye niyang Legal Wives na si Jen daw talaga ang legal wife.

“Ang galing din ng pagkagawa ng meme, parang totoo na nag-join siya sa conversation. Parang ang awkward din ng dating pero nakakatawa. So, okay naman,” natatawang wika ni Dennis.

Noli babalik na sa TeleRadyo

Ilang linggo matapos ang kanyang pag-atras sa kandidatura bilang Senador sa 2022 elections, ibinalita ni Kabayan Noli de Castro kahapon sa kanyang Instagram account na magbabalik na siya sa kanyang programa sa TeleRadyo.

“Salamat po, sa kaunting pagkakataon na ma-enjoy ko ang beach, bago bumalik muli sa Teleradyo sa Lunes, kita kits kabayan,” ang post ni Kabayang Noli.

Matatandaang last month ay nagbitiw ang batikang broadcaster sa lahat ng kanyang programa sa ABS-CBN kabilang na nga ang TV Patrol dahil nga sa desisyon niyang tumakbo bilang Senador.

Pero after a few days ay binawi ni Kabayan ang kanyang unang deklarasyon.

“Nais kong iparating sa lahat ng aking mga kaibigan at supporters na naghahanda na sanang tumulong sa akin, na nagpasiya akong hindi na ituloy ang aking kandidatura.

“Gayunpaman, HINDI PO NAGBAGO ANG AKING LAYUNIN AT HANGAD PARA SA BAYAN.

“Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag,” ang pahayag ni Noli last Oct. 13.

Sa muli niyang pagbabalik sa broadcasting, buong-puso naman siyang tinanggap ng kanyang supporters at wish nila, sana raw ay magbalik din si Kabayan sa TV Patrol.

Leave A Reply

Your email address will not be published.