Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bistek walang inupakang frontliner

0 327

Binigyan ng maling interpretasyon ng mga troll at basher ng former Quezon City Mayor Herbert Bautista ang isang post sa kanyang Facebook page na nagpaaalala ng pag-iingat sa COVD-19.

Bahagi ng post ni Bistek, “Loss of Common sense is not a symptom of COVID-19, it is the reason you got the disease.”

Isang netizen ang bumanat kay Bautisa na ang mga frontliner ang pinatatamaan sa post niya.

Eh, nakalimutan marahil ng netizen na isa ring frontliner si Herbert dahil isa siyang reserved general ng Armed Forces of the Phillipines.

Imposibleng upakan o patutsadahan ang kapwa frontliner.

Matatandaan din na sa kanyang termino, nagpatayo siya ng hospital at isinaayos ang mga dilapidated na. Tahimik din siyang tumutulong sa mga biktima ng pandemya sa QC nang walang publisidad sa social media.

Kesa pansinin ang mga troll niya lalo na’t wala naman siyang pambayad, inaabala ni Herbert ang sarili sa pagpi-paint at panonood ng mga Koreanovela gaya ng The World of Married Couple, Vagabond at Misty.

Leave A Reply

Your email address will not be published.