Abante Tonite Interactive

Bisyo ang mag-rambol sa gabi

627

Magandang araw mga ka-Abante at mga tagasu- baybay ng Kapitbahay Mo, I-Blind Item Mo. Ako nga pala si Rose, taga-Zam- bales.

Ang kuwento ko ngayon ay tungkol sa mga kapitba- hay ko sa aming barangay. Nakakainis lang kasi ang mga style nila. Lalo na itong si Kim at Romeo. Ang sweet-sweet ‘pag araw pero pagkagat ng dilim ay mga basag na plato, baso at kung ano-anong babasa- ging mga kagamitan na sa bahay ang lumilipad.

Sobrang perwisyo sila sa aming lugar. Wala naman kaming magawa dahil pagkatapos ng basagan ng mga plato, etc., kasama ang mukha ni Kim ay wala ka nang mari- rinig na ingay. Kumbaga ay nambula- haw lang ng aming komu- nidad.

Hindi ba sobrang nakaka- pikon, matapos gisingin ka- ming mga kapitbahay nila sa ingay ay tahimik na ang ka- nilang bahay. Wala naman sanang isyu dahil nagkakaayos sila at ibig sabihin ay nagkaba- ti na sila.

Ang isyu ko, gabi-gabi ga- noon ang drama nila. Sobra na kaming apektado. ‘Pag hindi ko lang ku- mare si Kim, pinabarangay ko na ang mag-asawang ito para napalayas, tutal ay mga nangungupahan lang sila.

Ayan ang tsika ko at sana ay na-entertain kayo ng very, very light, haha. Salamat ng marami, Rose ng Zambales