Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bitay para lang sa mga drug lord – Gatchalian

0 529

Isa si Senador Sherwin Gatchalian sa naghain ng panukala sa Senado na ibalik ang parusang kamatayan sa bansa subalit sa kanyang bersiyon, nais lang niya itong gawin sa mga drug lord.

Sa panayam sa ANC, sinabi ni Gatchalian na inihain niya ang panukala base sa naging karanasan niya bilang mayor ng Valenzuela City.

“Even if drug lords get convicted and put in jail, they still manage to conduct businesses, so if they don’t meet the death penalty, we will have a difficult time curbing drugs in our communities,” sabi nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.