Abante Tonite Interactive

Bitbit na baril buking sa ‘di pagsuot ng helmet

326

Nahaharap ngayon sa patong-patong na asunto ang isang vendor dahil lamang sa hindi nito pagsuot ng helmet sa Caloocan City, kamakalawa nang gabi.

Si Krisbel Morales, 30-anyos, nakatira sa Tumana, Navotas City ay nahaharap sa mga kasong dri­ving without helmet, driving without license, illegal possession of fire arm-replica) at violation of Omnibus election code.

Sa report, alas-6:30 nang gabi, sakay ng kanyang motorsiklo ang suspek at dumaan sa Dagat-Dagatan Sawata, Barangay 35, Caloocan City. Tiyempong may police mobile na nagpa-patrol at nakita si Morales na walang helmet.

Pinara nila ang suspek at hiningi ang drivers licence. Walang naipakitang lisensiya si Morales.

Nang mapansin din ng mga awtoridad na may nakabukol sa bewang nito ay kinapkapan at nakuha sa suspek ang isang replika ng caliber .45 kaya binitbit ito sa presinto. (Orlan Linde)