Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bitin amats sa rugby, totoy pumatay

0 96

Binaril at napatay ang 17-anyos na binatilyo ng kapwa niya rugby boy nang mabigo itong ibigay ang ipinabibiling solvent sa Barangay Singcang-Airport sa Bacolod City, nitong Miyerkules.

Ayon kay Police Major Joery Puerto, hepe ng Police Station 8, inutusan ng totoy na suspek ang biktima na bumili ng solvent noong Miyerkules ng gabi.

Nang walang naibigay ang biktima, nagalit ang suspek nang magkita ang dalawa sa harap ng shopping mall hanggang sa magpambuno sila.

Ayon sa pulisya, pumunta ang 16-anyos na suspek sa bahay ng kaibigan, humiram ng pen gun (improvised firearm) at binalikan ang biktima.

SM food to go Banner Ad

Nang muling magtalo, pinaputukan ng totoy ang biktima na duguang bumulagta sanhi ng tama sa tiyan.

Isinugod pa ito sa ospital subalit binawian din ng buhay.

Nabatid na ang biktima at suspek ay kapwa miyembro ng “Rugby boys.” (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.