Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bitin sa alak, 7 tigok sa nilagok na sanitizer

0 142

Matapos mabitin sa alak sa gitna ng walwalan sa isang party, walang takot na nilagok ng siyam na tomador ang hand sanitizer na may halong 69% methanol sa Tomtor village, Yakutia, Russia noong Huwebes.

Sa report ng UK newspaper na Daily Mail, pito sa lumaklak ay nasawi habang dalawa sa mga ito ay na-comatose.

Ang mga binawian ng buhay na biktima ay nasa pagitan ng 27-anyos hanggang 59.

Sinasabing na-short umano sa iniinom na alak ang siyam na partygoer kaya nilagok ang sanitizer.

Leave A Reply

Your email address will not be published.