Abante Tonite Interactive

Bitoon, Manila tinabunan ang Biñan

0 218

All-out si Cris Bitoon ang iba pang kasangga sa Manila Frontrow Stars nang dominahin buong salpukan Binan City Laguna Heroes, 106-93, sa unang laro ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 eliminations sa AUF Gymnasium, Angeles City.

Nagbaon si Bitoon ng 22 poiints at 11 rebounds para mahirang na best player at ideretso sa anim ang ragasa ng Manileños sa sixth straight win pa-7-1 overall record at solohin ang s­econd spot sa likod ng league-leading, defending champion San Juan Knights (9-0) sa Group A.

Apat pa niyang mga tsokaran ang tumabo ng 10 markers above sa paglayo ng Maynila sa Binan ng hanggang 29 puntos tungo sa pagsubsob sa biktima sa sa 4-7 at pablusuok sa ika-12 puwesto sa Group B.

May 15 pts. si Aristotle Dionisio, naka-13 si Carlo Lastimosa, 11 si Gabby Espinas at 10 si Gian Lloyd Abrigo. (A­ivan Denzel Episcope)