Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bitoy magdo-donate ng blood plasma

0 504

Update naman kay Michael V. on the road to recovery na raw ang singer/songwriter/comedian sa COVID-19. Sa kanyang latest update, halos wala na raw siyang nararamdamang sintomas.

Matatandaang nawala ang panglasa at pang-amoy ni Bitoy (tawag kay Michael V) nang mag-positibo ito sa virus.

“’Yung pang-amoy ang nakakatawa, kasi may pang-amoy na ako pero wala pa rin sa giya. So, hindi pa rin siya 100% pero at least, noong isang araw, nagluluto ng hamburger ‘yung kasambahay namin, naamoy ko from this room,” pagbabahagi ni Bitoy sa latest interview niya sa 24 Oras.

Pero ang nakakapagtaka raw, nang i-serve na sa kanya ang hamburger at nasa harap na niya, hindi na raw niya ito maamoy.

“So, magulo talaga,” natatawang sabi pa ni Michael V.

Ayon pa sa singer, ang stress daw ang isa sa pangunahing contributor para lumala ang COVID-19 kaya payo niya sa mga nai-infect ng virus, gumawa ng paraan para hindi ma-stress habang nagpapagaling.

Sa ngayon daw ay kinukumpleto na lang ni Bitoy ang 14-day quarantine at pwede nang bumalik sa normal ang buhay niya.

Nangako ang singer na kapag fully recovered na siya ay magdo-donate siya ng blood plasma para makatulong din sa ibang COVID-19 patients.

“Sana kahit paano eh may maiambag ‘yung plasma ko, yung dugo ko para makahanap ng gamot o lunas dito sa sakit na ‘to,” ani Bitoy.

50 tinamaan ng COVID sa teleserye taping

Nakaka-sad kung totoo ang balitang nasa 50 katao na raw ang nag-positive sa COVID-19 sa taping ng isang teleserye. Mostly ay mga staff and production crew raw pero ang maganda naman, wala naman sa kanila ang nasa kritikal na kondisyon.

Noong una ay dalawa lang ang nabalitang nag-positive sa nasabing killer virus nang mag-resume sa taping ang teleserye. Kabilang na nga umano rito ang isang aktor/direktor at isang lightman.

Pero tila nagkahawahaan na sila kaya lumaki na raw ang bilang ng na-infect.

Kaya hindi pa rin talaga advisable na magbalik sa trabaho ang mga artista kahit pa sabing nag-iingat sila at sumusunod sa safety protocols.

Leave A Reply

Your email address will not be published.