Abante Tonite Interactive

Biyahe ng 2 PH teams sa $18M The International plantsado na

124

Ngayong plantsado na ang lahat ng gusot, tuloy na ang pagsabak ng dalawang Philippine teams sa The International – ang pinakamalaking DOTA tournament sa mundo – sa Seattle, Washington, ayon kay Sen. Bam Aquino.

Inihayag ni Sen. Bam na natanggap na ng Exe­cration at TNC Pro Team ang kailangang visa para makasali sa tournament na may grand prize na $18 million, na gagawin mula August 3 hanggang 13.

“Our prayers for TNC and Execration have been answered. Matutuloy sila sa The International DOTA2 Championships at tuloy rin ang ating pagsuporta!” wika ni Sen. Bam, isang masugid na taga-suporta ng local eSports at video game deve­lopment industry sa bansa.

Mula sa tinatayang 20,000 teams na naglaban para makapasok sa tournament, sinabi ni Sen. Bam na labing-walo lang ang nag-qualify at dalawa rito ay mula sa Pilipinas.

“I would like to wish our Philippine teams good luck as they represent our country in the world stage! We are very proud of you,” dagdag ng senador.

Nagpasalamat naman ang Execration at TNC kay Sen. Aquino sa patuloy niyang suporta sa eSports community.