Abante Tonite Interactive

Biyahe ng buhay

323

Dear Dream Catcher,
Napanaginipan kong pupunta raw ng Hongkong ang mister ko, naka-book daw siya dapat sa 6:00AM flight kinabukasan pero nagmadali daw at umalis ng gabi pa lang.

Work-related ang biyahe nya dahil napana­ginip kong kausap ko ang kanyang secretary. Sinabi nga na nauna nang lumipad ang mister ko samantalang kinabukasan pa ang dapat flight nya.

So nagwori daw ako kasi kinabukasan pa rin ang hotel nya. Nagpunta nga ako sa office nya at nang pauwi ako nakasalubong ko raw ang mga dati kong officemates at sumakay daw kami ng bus. Doon na ako nagising.
Liza ng Tondo

Dear Liza,
Ang pagbibiyahe ay isa sa mga common dreams dahil ang buhay ay umiikot sa pagbibiyahe natin, pasulong man o paurong. Bahagi rin ng buhay natin ang aktuwal na biyahe gamit ang iba’t ibang uri ng paglalakbay: eroplano, barko, kotse at iba pa.

Kaya ang pagbibiyahe sa iyong panaginip ay sumi­simbolo sa iyong life’s journey. Bagama’t ang asawa mo ang napanaginipan mong bumiyahe, ito ay tungkol pa rin sa iyo at maaring may bahagyang kinalaman lamang sa mga isyung pampamilya.

Related Posts

Sa iyong panaginip, nakaramdam ka ng pag-aalala dahil nag-advance biyahe ang asawa mo at hindi na hinintay ang kanyang flight. Posibleng sa iyong paglalakbay sa buhay, nararamdaman mong nara-rush ka. Pakiramdam mo ba ay nagiging mabilis ang mga pangyayari sa iyong buhay at tila hindi ka pa handa. Maaring nalulunod ka sa isang masalimuot na sitwasyon at may takot kang nararamdaman kung ano ang puwedeng mangyari sa iyo.

Kung nasa isang sitwasyon ka kung saan nakakaramdam ka ng pressure, hindi kataka-takang sa iyong panaginip ay na-pressure ka rin sa pag-iisip kung ano ang mangyayari sa asawa mo.

Bago matapos ang iyong panaginip ay isang pagbibiyahe muli ang naging punto, ito naman ay ang pagsakay mo ng bus kasama ang mga dati mong officemates. Ang pagsakay ng bus ay indikasyon pa rin na may nararamdaman kang pangamba sa iyong pag­lalakbay sa buhay.

Kailangan mong magrelaks. Ipahinga ang isip pati na ang katawan. Ang iyong panaginip ay nagpapakitang nahihirapan ka sa iyong sitwasyon. Makakatulong din na i-discuss mo sa iyong asawa anuman ang mga pangambang nararamdaman mo. Kung may mapaghihingahan ka ng iyong mga alalahanin sa buhay, makakabawas ito ng pressure sa isip.