Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyahe ng minibus ginigipit sa Rizal

0 295

Umalma ang Common Transport Ser­vice Cooperative (CTSC) sa panggigipit ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Rizal matapos na pigilan ang operasyon ng kanilang mga minibus at paghuhuliin ang mga driver ng mga tauhan ng Mon­talban Traffic Management and Develop­ment (MTMD).

Ayon kay Dhelta Bernardo, general manager ng CTSC, ginigipit sila ng MTMD dahil sa paghuli sa mga tsuper at kinumpiska pa ang mga lisensiya ng mga bumibiyaheng driver.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Giit pa niya, ipinatitigil ng munisipyo ng Montalban ang operasyon dahil colo­rum umano ang kanilang kooperatiba.

Kaugnay nito, nananawagan din ang CTSC at humihingi ng tulong sa LTFRB at DOTr na imbestigahan ang ginagawang panggigipit sa mga regular na bumibiya­heng pampublikong sasakyan. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.