Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyahe ng motorcycle taxi ikinasa

0 203

Inirekomenda ng isang komite ng Kamara sa Department of Transportation (DOTr) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagbabalik operasyon ng mga motorcycle taxi ngayong nasa ilalim na ng general community quarantine ang Metro Manila.

Inendorso ng House committee on transportation ang balik operasyon ng mga motorcycle taxi upang madagdagan umano ang public transportation at maibsan ang hirap ng publiko subalit kailangan lamang ang mahigpit na pagsunod sa mga health at safety protocol.

Ayon kay Samar Rep. Edgar Sarmiento, chairman ng komite, pabor sila sa motorcycle taxi dahil bukod sa mas mababa umano ang banta ng multiple transmission ng COVID-19 dahil iisa lang ang pasahero nito, madali rin ang contact tracing sa ride-hailing mobile app.(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.