Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyahe sa GCQ, MGCQ niluwagan ng IATF

0 110

NILUWAGAN na ng gubyerno ang pagbiyahe kasunod ng pagpayag sa tinatawag na non-essential travel sa pagitan ng magkaibang quarantine classifications.

Paliwanag ng Inter-Agency Task Force (IATF) maari nang tumawid ang mga nasa General Community Quarantine (GCQ) sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) at vice versa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, itoy uubra maliban kung ang isang lugar ay nasa hard lockdown.

Maari din na magbawal ang mga lokal na pamahalaan sa mga gustong magpunta sa kanilang siyudad o bayan mula sa quarantine na mas mataas o GCQ.

Naunang ipinatupad ng pamahalaan ang limitadong travel restrictions, paglilimita sa travel sa mga may tinawag na “errands” o mahalagang pupuntahan.

Kinailangan din noon ang travel certificates at ibang dokumento at hindi rin ubra na tumawid ang isang nasa GCQ papunta sa lugar na MGCQ.

Samantala, inapurbahan din ang bagong mga edad na maari nang lumabas.

Sa ngayon maari nang lumabas ng bahay ang mga nasa edad 15 hanggang 65. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.