Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyahe sa lupa, dagat pinaralisa ni `Bising’

0 287

Sinuspinde na kahapon ng tanghali ang lahat ng biyahe sa lupa at dagat kabilang ang mga sea vessels patungo ng Visayas at Mindanao galing ng mga pantalan ng Bicol region dahil sa banta ng bagyong Bising.

Ito ang inilabas na advisory ng Department of Transportation (DOTr) na ni-request ng Office of Civil Defense (OCD) Bicol Region na inaprubahan naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council-Emergency Operations Center.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Upang masigurong masunod ang suspension order ay agad na nagsagawa ng paghihigpit ang mga ahensya katulad ng Land Transportation Office (LTO), Philippine Coast Guard (PCG), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pantalan at mga kalsada na maaring daanan mula Bicol region papasok ng Visayas at Mindanao.

Base sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, pumasok na si Bising sa Philippine Area of Responsibility at mananalasa sa Visayas at Bicol region simula sa Linggo. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.