Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyahe sa matataong ruta dagdagan – jeepney group

0 57

Hiniling ng isang transport group na payagang bumiyahe ang mga jeep sa mga ruta kung saan maraming tao para lumuwag ang biyahe.

Inihayag ito ni Orlando Marquez, national president ng Liga ng Transportation at Operators ng Pilipinas (LTOP) sa Laging Handa briefing kung saan tiniyak din nito na susundin ng kanilang hanay ang mga health at safety protocol kontra COVID-19.

Tinukoy nito ang mga ruta kung saan marami umanong tao o pasahero katulad sa Cubao hanggang Antipolo, Pasig-Quiapo, Alabang-Zapote-Baclaran, at Guadalupe sa Makati City hanggang FTI sa Taguig City. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.