Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyahe sa Tuguegarao airport nilalatag na

0 50

INAAYOS na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Tuguegarao City ang mga alituntunin sa muling pagbubukas ng commercial flights sa Tuguegarao City Airport.

Ayon kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Santiago base na rin kay Mary Sulyn Sagorsor, area manager ng CAAP Tuguegarao, nakipagpulong na sila sa LGU Tuguegarao, Department of Health (DOH), PNP at iba pang mga stake holders upang talakayin ang pagbuo ng One-Stop-Shop na magiging katuwang sa pagpapatupad ng mga alituntunin.

Ayon kay Santiago, hahanapan ang mga pasahero ng kaukulang dokumento bago makakuha ng ticket at boarding pass.

Samantala, sinabi ni Sagorsor, ang mga outgoing passengers ay kailangang magprisinta ng barangay Certificate, travel authority at certificate of acceptance sa pupuntahang lugar. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.