Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyahe tayo

0 323

Sa unang linggo ng taon ay kinikilala at ginugunita ang pagbiyahe ng tatlong hari, na sinundan ang malaki at maliwanag na bituin, upang maaninagan ang sanggol na Hesus, at para magalay ng kanikaniyang mga regalo.

Ang pagbiyahe ay isa din sa mga naging ritwal natin, pangsarili, pampamilya o para sa trabaho, mapa anuman ang sasakyan, bus, barko, o eroplano. Ngunit ang lahat ng ito ay natigil dahil sa Covid19. Hangga’t maaari, iniiwasan at pinipigilan natin ang paglakbay. Nang bumaba ang ating quarantine status sa GCQ, nagkaroon ng pagkakataon ang iba, hindi lang basta makaalis sa kanilang bahay dahil may essential na layunin, kundi makuhang makalabas ng bahay at magbakasyon.

May mga hotels na nag offer ng staycation sa kalakhang Maynila, at may mga lugar, gaya ng Tagaytay City at Baguio City na nagenganyo pa sa ating mga kababayan na dumalaw at magbakasyon sa kanila. Wala naman pumipigil sa atin magbakasyon, kundi ang panganib pa din ng Coronavirus. Kaya eto ang mga ilang payo, kung hindi talaga mapigilan ang pagalis.

1. Alamin ang lugar na pupuntahan at kung ano ang mag protocol na kailangan gawin, bago, habang nandoon , hanggang pagalis sa lugar na pinuntahan.

2. May mga QR codes na tinatawag na dapat i-scan at punan para ito sa tracing mechanisms. Ang halaga nito ay hindi sa malaman kung saan ang pupuntahan, kundi kung sa kasawiang palad na may mag positibo sa Covid19 at andoon kayo sa parehong panahon, maaabisuhan kayo upang makapageksamin at quarantine.

3. Depende sa pupuntahan, maaaring mangailangan ng testing. Alamin kung ito ba ay ang RT-PCR Swab (sa ilong at lalamunan), Antigen Swab (parehong butas ng ilong), o Blood Antibodies (na kinukuha sa dugo). Alamin din kung may time element na kailangan magmula ng makolekta ang specimen. Alalahanin natin na ang resulta ng mga ito ay iba iba ang paglabas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

4. Laging dala ang inyong ID, at kung bibigyan kayo ng parang clearance papers na manggagaling sa triage, dalhin din ito palagi.

5. Kung mamimili ng titirhan, may kategorya ang mga hotel, ang pagiging quarantine facility habang nagaantay ng resulta ng RT PCR ang mga naninirahan at ang iba na pambakasyon o staycation lamang. Mas mainam na ang magkakasama sa kwarto at sasakyan ay yung mga magkakasama din sa iisang bahay.

6. Pinakamahalaga, mapasaanman, ay huwag pa din kakalimutan ang minimum health requirements. Ito ay ang paggamit ng face mask at shield, ang pagdisinfect at sanitize, at ang social distancing.

7. At huli sa lahat, andyan pa din si Covid19, ngunit huwag natin hayaan sirain nito ang ating buhay.

Marami pa rin namang paraan para mag-enjoy at makausap ang ating mga mahal sa buhay at kaibigan. Gawin na lang nating parte ng ating pang-araw araw na galaw ang mga bagong health protocols.

Hanggang sa susunod! Keep healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.