Abante Tonite Interactive

Biyaheng Baclaran-Divisoria suspindihin sa cutting trip

399

Hiniling ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suspindihin na ang prangkisa ng mga pampasaherong jeep na bumibiyahe sa rutang Baclaran-Divisoria.

Sinabi ni Moreno na ito ay dahil sa patuloy silang nakakatanggap ng mga reklamo ng pagka-cutting trip mula sa riding public.

“Nangako ako ‘di ba, ‘pag ‘di kayo sumunod, bagay na dapat normal niyo lang na sinusunod, kaakibat ng pribileheyo na binigay sa inyo ng estado, franchise, given by the state, but you took advantage of it, enriching yourselves at the expense of the riding public. Tutuparin na namin ang pangako namin sa inyo: We will file a suspension of franchise before the LTFRB. I will not be the complainant. It will be the City of Manila, the City government of Manila will file a suspension of the entire Baclaran-Divisoria line,” ayon kay Moreno.

Iginiit ni Moreno na nagbabayad ng tamang pamasahe ang mga pasahero pero pinuputol ang biyahe ng sinasakyan nilang jeep. (JDCudia)