Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyaheng heaven and hell

0 172

Mga ka-Misteryo kayo ba ay nakaranas na ng astral travel o astral projection? Kilala din ito sa tawag na OBE – Out of Body Experience.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Edward ng Makati ay mahilig sa adventure sa kabilang buhay mula ng matuto siya ng astral projection. Kung sa karaniwang tao, voluntary o hindi sinasadya ang astral travel, kay

Edward ay intentional talagang gusto niya lumabas ng katawan.

Misteryo: “Brod, unang tanong ko hindi ka ba takot lumabas ng katawan kasi sinasadya mo ang astral travel mo?

Edward: “Hindi brod kasi nasanay na ako. Saka alam ko lagi ako binabantayan ng mga spiritual bodyguard ko.”

Misteryo: “Saan ka na ba nakarating sa kabilang daigdig o kabilang buhay?”

Edward: “Hindi ko pa nga nadiscover lahat pero nakarating na ako sa buwan, sa ibang planet like Mars. Napuntahan ko na rin ang heaven and hell.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Misteryo: “Grabe ka brod pati impiyerno pinuntahan mo? Hindi ka ba natakot na ma-trap doon meaning hindi ka na makabalik at nasa impiyerno ka na lang?”

Edward: “Muntik na ha ha ha! Kasi natakot talaga ako ng may humahabol sa akin. Nawala ako sa focus muntik na talaga buti tinulungan ako ng spiritual guide ko makalabas sa dimensyon na yun delikado pala.”

Misteryo: “Nabanggit mo heaven, maganda ba talaga doon? Ano nakita mo? May mga anghel ba saka ano hitsura ng lugar?”

Edward: “Ganito brod. Madaming level ang heaven para ding sa hell. May area sa heaven na akala mo hardin alam mo yung garden of Eden sa Bibliya andun yun part na pala ng heaven yun. Paraiso talaga siya puro makulay na puno, halaman, may river o batis. Kung nature lover ka ma-enjoy mo dun.”

Misteryo: “So anong part pa ng heaven napuntahan mo? Any chance na na-meet mo angelic beings or saints or maybe si Jesus Christ, Moses even God?”

Edward: “Angels yes nakita ko na sila and they are busy. May kanya-kanya silang task. Saints? Wala ako na-meet maybe because hindi pa ako patay. I saw the gate of heaven and stairway to heaven, above clouds. Mabilis ang travel ko kasi hindi ako masyado makatagal. Baka yun lang allowed sa akin.

Mga ka-Misteryo, ipagpatuloy natin ang kuwentong ito ni Edward sa kanyang astral travel sa

Heaven and Hell. Para sa inyong kuwentong kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.