Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyaheng Lucena-San Pablo ng PNR arangkada na

0 119

Inaasahang mapapabilis na ang biyahe ng mga taga-Southern Tagalog matapos opisyal na pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng ruta ng Philippine National Railways (PNR) mula San Pablo City, Laguna hanggang Lucena sa Quezon nitong Sabado ng hapon.

Sa kanyang maikling mensahe, sinabi ng Pangulo na ang katuparan ng proyekto ay bilang patunay ng adhikain ng kanyang administrasyon na mabigyan ng maayos na pagbiyahe ang mga Pilipino.

Sa pamamagitan aniya ng epektibong mass transport system ay mas mapapabilis na ang pagpunta sa iba’t ibang mga lugar sa mas mabilis na paraan.

Pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang Department of Transportation, PNR at mga lokal na pamahalaan sa kanilang kooperasyon para muling mabigyan ng maayos na serbisyo ang mga tao. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.