Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyahero galing PH nagdala ng virus sa HK

0 394

Inanunsyo ng Center for Health Protection (CHP) na pito ang bagong kaso ng COVID-19 sa Hong Kong, kabilang dito ang isa na galing sa Pilipinas.

Ayon sa CHP, lima sa bagong kaso ay nagmula sa India, tig-isa naman sa Pilipinas at Indonesia.

Wala naman umanong nakitang sintomas sa mga nagpositibo.

Sa nakalipas na 14 araw, nasa 130 kaso ng COVID-19 ang naiulat sa Hong Kong.

Patuloy ang isinasagawang contact tracing para sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.