Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyahero sa Bohol di na kailangan swab test

0 79

Hindi na obligadong magpakita ng swab test results ang mga biyahero at returning residents sa Bohol.

Ngunit ito ay kung fully vaccinated na ang travelers sa nasabing lugar.

Sa nilabas na bagong panuntunan ang Bohol provincial government, simula sa Oktubre 25, libre nang bumiyahe ang mga bakunadong biyahero kasunod na rin ng patuloy na ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa probinsya.

SM food to go Banner Ad

Sa ilalim ng Executive Order No. 52 na pinirmahan ni Bohol Gov. Arthur Yap, kailangan pa ring magpakita ng valid negative swab test result ang mga hindi pa nababakunahan o nakatanggap ng first dose ng iniksyon.

Sa huling tala ay mayroon pang 508 na aktibong kaso ng COVID-19 ang probinsiya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.