Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyenan, Hipag tinodas sa away politika

0 76

Nauwi sa patayan ang mainit na usapang politika ng magkakamag-anak na ikinasawi ng mag-ama dahil sa pagkapikon ng kanyang manugang makaraang matalo ang kanyang kandidato sa Barangay Matina Aplaya, Davao City.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Panfilo Manrique, 71-anyos at anak niyang si Geraldin, 43, na umano’y tinadtad ng saksak ng suspek na si Rio Ballenas, 30, asawa ng isa sa anak ni Panfilo, residente ng Diamond Village, Barangay Matina Aplaya, Davao City.

Nabatid na nasaksihan pa ng tatlong anak ng suspek ang ginawa nitong pagpatay sa kanyang biyenan at hipag. Ang tatlong anak ay nasa pangangalaga ngayon ng Women and Children Protection Desk.

Ayon kay Major Noel Villahermosa, Talomo Police Station commander, nagtalo ang magkakaanak kaugnay sa kani-kanilang hawak na kandidato sa national at local. Isa pang ikinagalit umano ng suspek ay ang pagkatalo ng kanyang hawak na politiko sa Norallah, South Cotabato kung saan kinukutsa pa umano ito ng kanyang biyenan imbes na suportahan dahil sa hirap nito sa pangangampanya.

Matapos ang ginawang krimen ay nagawa pa umano ni Ballenas na ipagsigawan sa labas ng bahay na pinatay niya ang mga taong umaalispusta sa kanya habang naghahamon pa ng away.

Agad namang rumesponde ang Davao Police at inaresto ang suspek na nakakulong na ngayon sa Davao detention cell at sinampahan ng kasong murder. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.