Abante Tonite Interactive

Biyernes Santo at karne

767

Tuwing sumasapit ang Mahal na Araw lalo na kapag Biyernes Santo ay nakaugalian na ng karamihan sa mga Katoliko ang hindi pagkain ng karne?

Bakit nga ba bawal kumain ng karne tuwing Semana Santa?

Naging tradisyon na ang hindi pagkain ng karne ng mga Katoliko tuwing Biyernes Santo bilang bahagi na rin ng kanilang pagpapakasakit o pagsasakrispisyo. Kasabay na rin nito ang kanilang pagninilay sa paghihirap at pagkamatay ng ating Panginoong Hesukristo.

Sinasabing isinasagawa ang naturang kaugalian bilang pagdidisiplina at pagpapaala sa sarili sa mga kalbaryong dinanas ni Hesus para maligtas sa kasalanan ang sanlibutan.