Abante Tonite Interactive

Biyuda ni Batocabe talo sa mayoralty race

0 408

Tinanggap ni Gertrudes Batocabe, asawa ng pinatay na si Ako Bikol Party-list congressman Rodel Batocabe, ang kanyang pagkatalo sa pagka-alkalde sa bayan ng Daraga, Albay sa ginanap na eleksiyon.

Nanguna sa bila­ngan si acting mayor Victor Perete, na nakakuha ng 21,615 vote habang si Batocabe ay mayroong 17,358 vote batay sa partial and unofficial tally, Martes ala-una nang hapon.

Si incumbent Ma­yor­­ Carlwyn Baldo naman, na itinuturong mastermind sa pagpatay kay Rep. Batocabe noong Disyembre ay nakakuha ng 14,774 vote.
Nagpahayag si Batocabe ng pasasa­lamat sa mga sumuporta sa kanya.

Abante Hiring – IT dep

“Thank you very much, to all our fami­ly, friends and supporters who have helped us in this campaign,” aniya.

Dagdag pa nito, kahit hindi umano pumanig sa kanya ang resulta ng eleksiyon ay nirerespeto nito ang desisyon ng taumbayan. (PNA)