Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyuda pinagtataga ng binata

0 111

Patay ang isang ginang matapos itong pagtatagain ng binatang kapitbahay na pinagbintangan umano niyang nagnakaw ng kanyang manok, Lunes ng hapon sa bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Dead on the spot dahil sa tinamong mga taga sa ulo, leeg at iba pang bahagi ng katawan si Nida Sumali, 57, balo. Agad namang naaresto ng kagawad ng pulisya ang suspek na si Sonny Boy Baran, kapwa residente ng Purok 1, Barangay Loboc ng nasabing bayan.

Sa ulat ni Police Capt. Edwin Duco, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente alas-4:30 ng hapon.

Kinompronta ni Sumali si Baran dahil ito umano ang nagnakaw ng kanyang manok na mariin namang itinanggi ng huli.

Nang ipagpilitan ng biktima ang akusasyon nito, nagalit si Baran at sinugod ng taga ang biyuda.

Sa ngayon ay nakakulong ang suspek sa Tungawan Municipal Police Station (MPS) habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.