Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyudo 7 beses tiningga

0 73

Patay ang isang vendor matapos barilin ng pitong beses ng hindi pa nakilalang ‘gunman’ sa loob mismo ng kaniyang stall sa Quezon City, nitong Enero 1 ng madaling araw.

Ang biktima ay si Hazim Villacurta Dimna, biyudo, vendor, tubong Marawi City, Lanao del Sur at naninirahan sa Unit 3, Reverside, Barangay Commonwealth, Quezon City.

SM food to go Banner Ad

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ika-2:00 ng madaling araw (January 1) nang ratratin ang biktima sa Stall No. 822 Kiko Market, Kaunlaran St., Barangay Commonwealth.

Sa imbestigasyon ni PCpl Morshid D Tanog at sa SOCO team na pinamumunuan ni PLt. Michael Jabel, hindi pumayag ang ina ng biktima na si Cilia Dimna na isailalim sa ‘autopsy examination’ at ‘paraffin test’ ang anak dahil sa kanilang Islamic tradition.

Masusi ngayong iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na krimen. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.