Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyudo minolestiya 2 estudyante, dinamba

0 39

Nahaharap sa patong-patong na asunto ang isang 75-anyos na lalaki makaraang ireklamo ng mga magulang ng dalawang grade 5 student na sabay umano nitong minolestiya sa Malabon City, kamakalawa.

Mga kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610 (two counts) at R.A. 9775 (anti-child pornography act 2009) ang kinakaharap ni Serafin Domingo Santos, biyudo, naninirahan sa Sta. Isabel Village, Brgy. Baritan ng lungsod.

Sa salaysay ng mga biktimang sina alyas Lolit at alyas Menchie, kapwa 15-anyos, nakilala nila ang suspek sa social media matapos ipakilala naman sa kanila ng iba nilang kaibigan.

Bandang alas-2:00 ng hapon, nag-chat si Santos sa dalawa at inaya sila sa kanyang bahay para magmeryenda at ‘magkuwentuhan’.

“Nasa sala po kami at kumakain. Walang ibang tao, bale tatlo lang kami. Tapos tumabi siya sa gitna ng inuupuang sofa,” anang mga dalagita.

Doon na raw lumikot ang mga kamay ng biyudo at hinawakan sila sa maseselang bahagi ng katawan.

SM food to go Banner Ad

Tumayo ang suspek at pagbalik ay may dala nang malalaswang larawan ng mga nagtatalik saka ipinakita sa mga biktima.

Tumayo uli ang suspek para kumuha ng tubig kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga dalagita na kunan ng picture sa cellphone ang mga litratong malalaswa.

Dali-daling umalis sina Menchie at Lolit at ipinabatid sa kanilang mga magulang ang ginawa ni Santos.

Dakong alas-4:00 ng hapon, dumiretso ang mga magulang ng mga biktima sa Sub-Station 7 kaya kaagad namang pinuntahan ng mga pulis ang bahay ni Santos na nagresulta sa pagkakadakip nito.

Narekober sa suspek ang mga malalaswang larawan. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.