Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyudo nabaril habang natutulog

0 102

Bago sumapit ang Pasko, isang 48 anyos na magsasaka ang naging biktima ng ligaw na bala sa Brgy. Sabit, Cuyapo, Nueva Ecija.

Sa ulat sa tanggapan ni PColonel Marvin Joe Saro, NE police director, ang biktima ay si Roger Domingo Morales, biyudo, residente ng nabanggit na barangay.

SM food to go Banner Ad

Alas 11:30 ng gabi, mahimbing na natutulog ang biktima sa loob ng kaniyang bahay kubo nang magising dahil sa naramdamang pananakit ng kanang hita.

Nang tingnan umano ito ay pumupulandit na ang dugo kaya nagpasaklolo at nadala sa Guimba District Hospital sa Brgy. Pacac, bayan ng Guimba. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.