Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biyudo nag-suicide sa bakod

0 99

Duguan at wala ng buhay nang mabungaran ang isang lalaking hinihinalang nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagsaksak sa katawan sa patusok na bakal ng bakod ng isang tahanan sa Quezon City, nitong Lunes ng umaga.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-5:42 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay ng 49-anyos na biktima sa harapan ng isang tahanan sa Novaliches, QC.
Sa imbestigasyon ni Pat Nestor V Ariz Jr., ang bangkay ng biktima ay naispatan ng tanod na si Ronnie Rueda na sakay ng motorsiklo.

Nang siyasatin ng mga awtoridad ang insidente sa naka-install na CCTV, nakitang pilit na isinaksak ng biktima ang kanyang katawan sa bakal na bakod ng bahay alas-7:30 ng gabi ng May 15.
Nadiskubre rin awtoridad na may bahid ng dugo ang dulong patusok na mga bakal.

Nabatid naman sa tiyuhin ng biktima na nito ring May 14, ay nagtangka nang magpakamatay ang biktima nang tumalon sa riles ng LRT Station pero agad namang nailigtas ng mga guwardiya.
Nagsimula umanong naging malungkutin at palainom ang biktima nang mamatay ang asawa nito noong nakaraang taon. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.