Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BJMP: 510 pandak, nagkatrabaho sa `height law’

0 42

Nagpasalamat ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil umano sa pagpupursige ni Senador Ronald `Bato’ dela Rosa na maisabatas ang Height Equality Act kung kaya’t nasa 510 mula sa 2,215 bagong jail officer ang nagkatrabaho ngayong taon.

“We are grateful to Senator Ronald dela Rosa for putting all efforts in ensuring the passage of the law on height equality,” ayon kay BJMP chief Allan Iral.

Una rito, kinakailangang may taas na limang talampakan at apat na pulgade ang mga lalaki habang 5 talampakan at 2 pulgada para sa babae ang mga aplikante para matanggap bilang jail officer 1.

Subalit nang maisabata ang Height Equality Act ay pinayagan na ang limang talampakan at dalawang pulgada sa lalaki at limang pulgada naman sa mga kababaihan para maitalagang jail officer 1.

Hinimok din ng BJMP na ipatupad rin ang nasabing batas sa lahat ng mga nangangasiwa sa kanilang distrito, siyudad at municipal jail sa buong bansa. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.